Saturday, December 13, 2014

Nang Maghalo ang Balat sa Tinalupan

Nang Maghalo ang Balat sa Tinalupan from Illustrado



I miss my friends. Yung mga naiwan ko sa Pilipinas. Yung mga nakakasama kong mag-shopping sa Greenhills at Divisoria, lalo na kapag may Midnight Madness Sale sa mga mall. Yung palagi kong nakakaladkad sa parlor, sa sinehan, sa peryahan, pati sa cutting classes. Yung mga nakaka-telebabad at ka-text ko miski anong oras. Yung kinikilig kapag kinukwentuhan ko ng mga crush ko, mga naiiyakan ko kapag sawi ako sa lovelife ko. It’s a pity that we had to part ways. Some got married na and are raising kids now. Yung iba naman busy sa kanilang mga lovelife at careers. Ako naman eto, dakilang bagong bayani ng bayan – nagsasakripisyo para sa pamilya at kinabukasan kaya’t malayo sa piling nila.


It’s hard to find true friends nowadays. Mahirap makahanap ng mga taong makakaintindi sa yo and who will accept you for who you are. Syempre dapat pareho kayo ng taste – sa damit, sa sapatos, sa music, sa pelikula, sa lalake, pati sa paboritong artista. Kapag maka-Kimerald ka natural hindi kayo magkakasundo ng mga DongYan fans. Tamo mga Vilmanians, hindi pwedeng makipag-bonding sa mga Noranians. A Kapamilya will never like a Kapuso. Gets mo? Si Manny Pacman lang yata ang pwedeng mag-unite sa ating mga Pinoy eh. Teka, I degrees.


Hindi kasi ako madaling magkaroon ng friends. Ewan ko ba, pero mas madaming may ayaw sa akin kesa sa may gusto – feeling ko ha? Eh kasi kakaiba daw ako – weirdo, loud at eccentric. Yan ang madalas na first impression sa akin. Eh di ba first impression is last? Kaya siguro kokonti lang ang lumalapit sa akin – hindi man lang nila ako binibigyan ng benefit of the daw. Kasalanan ko ba na istariray ako? Pinalaki kasi ako ng mga magulang ko na huwag magpapa-api. Dapat daw sa classroom, sa harapan ako lagi uupo. Kapag may gusto akong sabihin dapat daw isigaw ko para siguradong maririnig ako. At hindi raw dapat lahat ng uso eh sundin ko, dapat daw eh magkaroon ako ng self identity. Yan ang mga pabilin sa akin nina Nanay at Tatay. Kaya siguro ganito ako ka-confidence. I believe in self expression, individualism and originality. Ayoko maging back up singer lang, dapat ako ang laging bida – parang si Beyonce, si Nicole Scherzinger… si Kuh Ledesma! Wala naman sigurong masama to aspire to be the best, di ba? Well kanya-kanya yan – whatever rocks your vote, makes no difference who you are. Yun na!


Kaya naman blessing in the sky for me when I met my BFF Sheila. First time ko pa lang sya nakilala sa office magaan na loob ko sa kanya. Pareho kasi ng costume sa Halloween Party namin noon. Habang lahat eh naka-witch at vampire outfits eh namukod-tangi kaming dalawa sa suot naming Lady Gaga costumes. Biruin mo, sino ang mag-aakala na merong ibang kayang maglakas-loob magsuot ng ganun bukod sa akin? Sabi ko, “Ay, chica tong gurlash na itich! Winner!” Nang sumuot ako sa isang gusot, sya lang ang nagtanggol sa akin. Mula noon, sabay na kami mag-lunch, magsimba sa St. Mary’s, mag-marathon sa panonood ng “Glee” at “Magkaribal”, mag-window shopping sa Louis Vuitton, mag-panic buying sa Outlet Mall, gumimik sa Chika Grill at kumain ng okoy sa Delmon. I also introduced her to my suking parlor, my flatmates, my carlift and to my significant other… si Adam my love.


Sarap ng feeling nang muli akong magkaroon ng confidante, alliance at partner in crime. Para akong nagkaroon ng instant kakambal – kasi pati sa pananamit madalas eh pareho kami ng outfits. Pati mga expression ko bukambibig na rin nya all of a suddenly. Finally, someone that understands me and accepts me for what I am – my new BFF! Kaya magmula noon I shared na my life with her, lalo na kapag dumarating at lumalabas kami ni Adam, sya ang third wheel all of the time. Pero just like in the movies, I soon discovered na Three is a Crowd pala.


Kamakailan lang ay nakigamit ng laptop si BFF. Nang matapos mag-internet ay nagpaalam sya at umuwi na. Nang gamitin ko ang laptop, naiwan nyang naka-log in ito sa Fezbook account nya. Bago ako mag-log out, nabasa ko ang info sa kanyang account. Name: Sheila May Smith??? Relationship Status: Married??? At eto na: In a Relationship with Adam Smith???!!! Teka, pangalan ng jowa ko yun ah! Anu itu??? Hindi naman ito yung Fezbook account ni BFF Sheila ah? So right there and them, nadiskubre kong may secret second account ang hitad. Binasa ko yung ibang info… Activities: shopping, eating, shopping, eating… Interests: fashion, movies, boys… Music: Madonna, Lady Gaga, Sharon Cuneta… Books: Macbook… Movies: Titanic, The Notebook, Temptation Island…Television: Sex & The City, Glee, Magkaribal… Hmmmm. Teka, bakit pareho lahat ng sa akin toh? Click sa Photos… Natulala ako sa mga nakita ko. Aba, puro mga pictures ni BFF Sheila at Adam – actually kilala ko yung mga pictures na yun eh – kasama talaga ako dun sa mga pictures pero na-crop na bigla sa Photoshop!!! Tapos yung mga solo shots nya puro mga damit ko ang suot nya… aba pati yung profile pic nya, kapareho ng hairstyle ko tsaka damit ko…Oh-Em-Gee, ginagaya nya ako! Stroker!!!


Tapos binuksan ko yung mga messages nya. Sa Sent Messages, puro kay Adam lahat! Binasa ko ang isa: “ Hi honey, how r u? Wen r u going 2 b bak hir in Dubai? Miss u much. I-T-A-L-Y. =) Mwuah!”


P*^%$#@%#*&^!!! Ang kapal ng fez! Nanginig ako…


Continue reading: http://goo.gl/FV6eXv

No comments:

Post a Comment